sinuspende ang klase ngayong araw na ito. hindi ko nga alam kung bakit eh. pero sabi ng aking itay, iyon ay dahil malakas ang ulan kanina. eh, kanina lang naman iyon eh. bakit pa kailangang isuspinde? di bale. masaya naman eh.
bago pa ako nakauwi sa aming bahay, gumala muna ako. una sa lahat, pumunta kami sa Lianas sapagkat kakain si Dale. inuulit ko, si Dale lamang. ngunit, pinilit nila ako. napilit lang pala ako. kaya pumayag na ako sa kanila.
matapos namin kumain, nasulyapan namin sila Carla sa Jollibee. pumasok naman kami sapagkat tinatawag nila kami. pagpasok namin, nakita namin sina Jasmine, Albert, Philippe at Ohio. kinamusta namin sila. sa katunayan ay kinilig pa nga si Dale sapagkat andoon si Ohio. pagkatapos ay umalis na kami.
hindi pa ako tumuloy sa aming tahanan sapagkat inimbitahan kami ni Dale na pumunta sa kanila. inimbitahan nga ba? basta. nanood lamang kami ng Ginger snaps back/Gingersnaps II. dumating nga pala si Jasmine. pero matapos ang ilang oras ay umuwi na rin kaagad ako sapagkat pinapauwi na ako ng aking butihing ina.
nakauwi na ako at dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako habang nagbabasa ng librong hiniram ko kay Leona.
No comments:
Post a Comment