Tuesday, August 19, 2008

ang presentasyon

ngayong araw na ito ay itinakda upang kami ay magsayaw. OO, tama ang narinig ninyo. MAGSASAYAW ako. hindi ko naman talaga gusto iyon. napilitan lamang ako sapagkat dumalo pa ako sa aming meeting sa Filipino. hindi naman ako nakatanggi sapagkat kawawa naman ang grupo namin. kaya eto, nagsakripisyo ako ng dalawang minutong kahihiyan sa harap ng klase.

pagpasok ko sa paaralan, wala muna akong pakielam sa kung ano man ang mangyayari. ngunit nang may tumapik sa aking balikat, nagsimula na ang kinatatakutan ko. si jasmine leonor ang tumapik sa akin at tinanong niya ako kung may dala ba akong Filipiniana. ang sagot ko'y wala. hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot ko. siguro ay wala pa ako sa tamang katinuan nang mga oras na iyon. nagulat si Jasmine sa aking winika at napasigaw siya. at doon sa oras na iyon ay namulat ang aking kaisipan sa ilang oras ng kahihiyan.

sa klase namin sa pisika, hinayaan kaming magpraktis para sa aming programa sa Filipino. at pagdating naman sa Matematika ay nagklase na kami. hindi kami pinayagang magpraktis ni Ginoong Torrecampo sapagkat mahuhuli na daw kami sa aming mga leksyon. sa kasamaang palad, ang susunod na klase ay Filipino. tumunog na ang bell. hindi na ako mapakali ng mga sandaling iyon.

pumunta na kami sa banyo upang magbihis. sinuot ko ang Filipiniana kong kimona at patadyong na kulay orange. pagkatapos, umakyat na kami upang maghanda na sa gagawing programa.

dumating na nga ang oras na pinaka-ayaw ko. ang grupo na namin ang susunod. sa kabutihang palad ay hindi ko nakalimutan ang mga steps sa aming sayaw. ayos naman ang sayaw namin. buti na lang.

---

pumunta ako sa SM nang mag-isa ngayon. hindi na ako nakasabay kina Leona sapagkat nagkaroon kami ng meeting para sa nalalapit na programa namin sa MAPEH.

nakita ko siya. kinamusta niya ako at sumagot din naman ako. iiiiiiiiiiiii. joke. wala na rin naman akong nararamdaman sa kanya eh kaya baliwala na lang sa akin ang mga pangyayaring iyon.

siya nga pala. bumili ako ng anim na cartolina para sa Drapting namin.

No comments: