Saturday, August 23, 2008

Happy Birthday Bea.!

ngayon nga pala ang aming dula sa MAPEH. ako ay gumanap bilang isang donya ng makalumang panahon. makalumang panahon sapagkat hindi ko kayang magsuot ng damit ng isang donya ngayon. DUH?! ako nga rin pala ang prayer leader ngayong araw na ito. buti na lamang at nakagawa ako ng dasal. at siya nga pala, naka-100 nga pala kami sa MAPEH sa ginawa naming presentasyon. buong klase iyon ah.

Ngayon din ay kaarawan ng aking kaibigan na si Bea. inimbitahan niya kami na dumalo sa kanyang handaan sa kanilang bahay. hindi naman ako makatanggi sapagkat kaibigan ko nga siya.

bago kami pumunta sa kanila, dumaan muna kami sa SM Sucat upang bumili ng 3/4 na damit ni Jasmine at Mass ni F. Sionil Jose. sa kasamaang palad, walang ganoong libro doon (na mura) kaya naisipan naming bumili na lamang ng regalo para kay Bea. galing sa Artwork ang regalo namin sa kanya. isa iyong bracelet na nagkakahalagang P ****. pagkatapos ay bumili naman sila ng tag para doon. ako nga pala ang nagsulat sapagkat maganda ang aking sulat.

papunta na kami sa bahay nila Bea. sumakay kami ng dyip. habang nasa dyip kami, nagpayabangan muna kami. hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ni Leona nang sinabi niyang napag-aralan na namin ang HTML noong nasa elementarya pa lamang kami. nagtataka ako sa sinabi niyang iyon kaya winika kong hindi pa namin iyon napapagp-aralan. tumawa sila.

nakarating na kami sa may overpass at bumaba na kami sa dyip. naglalakad na kami papuntang Villanueva. sumakay kami ng tricycle at bumaba sa Judea Extension. doon ay nagsimula na kaming maglakad. malapit na kami sa bahay nila Bea nang makasagupa namin ang isang puting aso na nagngingitngit. tumakbo sila Leona papalayo habang si Jasmine naman ay nanatili sa kaniyang pwesto. ako naman, humakbang ng kaunti papalayo. dahil sa nangyaring iyon, napilitan kaming sumakay na lamang ng pedicab upang makaiwas sa asong iyon.

nakarating naman kami sa bahay nila Bea - gutom, pagod na pagod, at bangag. kumain kami doon. nagpiktyuran din, nagsaya at higit sa lahat, nag-usap. napag-alaman na niya ang mga kamalian niya sa buhay.

umalis kami sa kanilang bahay ng mga 9 na ng gabi. at nakarating naman ako sa amin ng mga 10. hindi ko pa rin nagagawa ang aking Elevation sa Drapting.

No comments: