Monday, August 18, 2008

lunes.

walang pasok ngayon. pero hindi ko alam kung bakit.


---

kagabi, nag-"movie marathon" kami ng aking nakababatang kapatid na si Justin. nanood kami ng "The Exorcism of Emily Rose". dahil sa kahilingan ng aking kapatid, at para na rin samahan niya ako sa panonood, sinunod na namin ang "Transformers" kahit ito'y paulit-ulit na naming napapanood. para sa inyong impormasyon, kami'y nanonood lamang sa Internet at alam kong piracy ang tawag doon. ngunit, wala namang perpekto diba? at sabi din sa "Seed of Chucky", "Rome wasn't built in one day".

sa kadahilanang masyadong malakas ang tunog, nagising ang aking itay at nakisama na rin siya sa panonood namin. at dahil hindi pa kami nakokontento sa halos tatlong oras naming panonood, ay pumili na naman kami ng palabas na isusunod namin. ang aking itay ang pumili. at ang pinili niya ay ang palabas na "The Gods Must be Crazy". makalumang palabas na ito subalit napakaganda niya. simple lang ito - walang special effects - ngunit nakakatuwa. ang palabas na iyon ay tungkol sa isang simpleng Bushman. hindi ko na ito ikukwento pa sapagkat nakakatamad na.

---

bumalik na tayo sa nangyari ngayon. basta, pagkagising ko, naglinis ako ng kwarto. at pagkatapos ay nanood na naman kami ng isang palabas - "The Gods Must be Crazy 2". hindi ko inakalang aabutin kami ng limang oras sa pagnood lamang nito sapagkat napakabagal ng aming Internet connection. halos sinumpa ko na ata iyon sa sobrang galit. pero sa kabutihang palad, natapos naman namin ang palabas at nangako kami sa aming ina na hindi na muli manood ng ganoong palabas at kahit ano pang mga palabas sapagkat aksaya lamang ito sa kuryente.

No comments: