Monday, September 15, 2008

ohio at dale. dale at ohio. dd at oqo. oqo at dd. olarte at taduran. taduran at olarte.

kakaiba tong araw na to. sobra. parang andaming free time. una ung physics, absent kasi si Mrs. De Jesus. buti na lang kasi may test kami. tapos filipino. may seminar kasi kaming mga seniors. eh hanggang lunch pa naman yun. tapos, inalam ko kung ano ung blood type ko. alam ko na siya (O daw sabi ng nanay ko). pumila kami para ipatusok ang daliri namin sa karayum at magpadugo. :)) eh, medyo may pagkaduwag ako pagdating sa ganun, kaya nagpahuli ako.

ayun, hinabol muna namin nila Loriza at Arwin ung speakers. pano ba naman, gagawin namin silang mentors. natuwa naman kami nung pumayag na sila. syempre.

tapos, balik na sa main. pumila na ako at nagpatusok na. masakit siya, syempre nilagyan ba naman ng alcohol. basta, masakit. laking gulat ko naman at walang lumabas na dugo. syempre natakot ako nun dahil baka tusukin uli ako. buti na lamang at may lumabas, pero kakaunti lamang. tapos pinisil-pisil pa ung daliri ko para dumanak na ang dugo. :))

ayun, nalaman ko rin pala na A+ pala ung blood type ko. barbero talaga nanay ko. :)) haha. joke lang yun.

siya nga pala, naglaro nga pala kami ni leona ng TIC-TAC-TOE. nanalo ako syempre. at si jubac? natalo ko rin siya ng isang beses. bwahahahah. :)) nagpusoy dos din kami. ayun oh. bumalik na naman kami sa dati, adik na adik. naglaro kami nila arene, ako, leona, jas, jam, at ann. masaya siya, sobra.

tapos, uwian na. edi umuwi na kami. sabi ko kay dale na wag na sumabay samin para magkasama sila ni OHIO. tinanong ko nga rin pala si ohio na ihatid na lang si dale, syempre. pero ayaw eh. kaya yun, kaming tatlo na naman ang magkakasabay.

7-11 muna para magpalamig at uminom ng slurpee. nilibre kami ni dale dahil nakita na naman niya si ohio. lagi naman ganun eh, pag andyan na si ohio, nililibre niya kami. kaya yun, pumasok ung GOS (hindi na nga EGOS eh, wala na kasi si EDU. ewan ko kung bakit.) sa 7-11. malamang ang dahilan ay andoon si dale (hindi ako sigurado pero iyon ang nahihinuha ko).

iniwan namin si dale sa piling ng GOS sapagkat bibili si leona ng cartolina para sa drafting. tapos, bumalik na kami, nag-uusap silang dalawa. tinanong ko uli si ohio kung ihahatid niya si dale. hindi daw kasi kasama naman daw kami eh. tapos yun, nagpaalam na siya kay ohio at si ohio kay dale. tapos, ayun.

---

pag-uwi ko sa bahay, walang tao. nagtext ako sa nanay ko kung nasaan ung susi pero sinabi nila na akala daw nila ay sasama ako sa kanila. so ayun, nagdoorbell ako ng ilang beses kahit na alam kong walang tao sa loob. naghintay ako ng matagal. hanggang sa dumating na ang mga magulang ko. laking gulat ko na andoon pala sa loob ang aking NAKAKAIRITANG kuya. sobra. naasar ako sa kanya nang makita ko siya. antagal-tagal kong naghintay sa labas. nagdoorbell naman ako ah? bingi ba siya. basta. iritang irita ako sa kanya nang mga oras na iyon. ang dahilan naman niya ay nilalagnat daw siya? o, talaga?

basta, dumagdag pa yun sa pag-init ng ulo ko.

No comments: