Friday, December 26, 2008

christmas. christmas.

24-25

sinundo namin ung tita ko at ung trabahador nilang tinreat nila papunta dito sa pinas. pero sobrang nakakagulat talaga dahil hindi naming inakalang dadating din ung mga pinsan ko. grabe. so, gulat na gulat naman ung tito ko dahil hindi niya alam iyon at nasurprise daw talaga siya. so aun, pinroblema lang naman namin kung paano sila kakasya sa nissan urvan.

badtrip nga eh dahil gustong gusto ko na talagang umuwi pero ayaw nila mamaya pa daw. tas nakauwi kami ng mga 2 ng umaga. ang inaalala ko lang naman eh ung ginawa kong ref cake dahil gusto ko na siyang tikman. tas ung mga regalo din, gusto ko nang buksan dahil meron dung hindi ko pa alam ang laman.

pagdating sa bahay, bukasan kaagad ng mga gifts. may natanggap akong singsing na relo (haha. oo), lalagyanan ng mga ganun, wallet, damit, chocolate, paper clip, pencil case, tsinelas, lotion, keychain, lapis, letter, at pera. haha. dinekwat ko nga rin pala ung damit na niregalo sa nanay ko kasi maliit iyon sa nanay ko at kasya iyon sa akin. :))

tapos natulog lang kami for 3 hours dahil may pupuntahan daw kami. may gift giving/christmas party kaming aatendan. so, gumising kami ng super aga, naligo, hindi na kami nagbreakfast at umalis na rin. sinundo namin si Auntie Puring (naging piano teacher ko siya nung summer dati) tas pumunta na sa Taguig para sunduin naman sila tapos pumunta na ng Novaliches. super traffic doon kasi madaming nagsimba. tapos nakarating din naman kami sa church nila (christians sila. catholic kami ni inay).

masaya kasi kantahan at sayawan (parang ung BELIEVE) tas may games at pa-raffle. syempre, courtesy of ALC (Abundant Life Church) Guam and cavan family. haha. :)) tapos umalis kami at pumunta sa SM North Edsa (pinaka-malaking mall na daw sa pinas.). tapos pumunta sa Taguig at umuwi na rin. sobrang nakakapagod.

pagdating sa bahay, kinain ko uli ung ref cake na gawa ko. feeling ko nga ako lang ung kumakain nun eh. masarap naman siya eh. bat ayaw nila? haha.

Thursday, December 25, 2008

christmas eve

so kanina lang gumawa ako ng REF CAKE. ang pinaka-unang ref cake ko. :)) tapos tinulungan ko din ung mom ko sa pagluto. wala kaming masyadong handa ngayon dahil hindi kami magcchristmas dito sa bahay. ewan ko ba ang gulo kasi. mamaya daw kasi aalis kami. susunduin namin ung tita ko.

excited na nga ako dahil magbubukasan na ng mga gifts mamaya. actually alam ko na ung mga regalo saken kahit nakabalot pa sila. pano ba naman, binuksan ko na siya nung isang araw. medyo na-excite lang kasi talaga ako. haha. baliw.

may christmas party nga pala ung subdivision namin ngayon. ayoko ngang pumunta. puro mga bata lang naman ung andon at ung mga matatandang parang nakainom ng ecstasy dahil sobrang gustong-gusto nilang maglaro ng mga parlor games. yung tipong parang ngayon lang nakalaro. haha. pero pinipilit kasi ako ng kapitbahay namin. so, pupunta ako pero magpapakita lang ako, ibibigay ung regalo ng kapatid ko, at aalis din kaagad. hindi na ako kakain dahil may pagkain naman sa bahay. DUH! may pagkain kaya dito. :))

sige na nga. magbibihis na ako dahil malapit na magstart ung party.

merry christmas nga pala!

Wednesday, December 24, 2008

EASTWOOD

so, aun. pumunta kami sa Eastwood kanina para icelebrate ung birthday ni bespren. pero, pumunta muna kami sa bahay nila. dun kasi kami magkikita-kita eh. so nagpahatid na rin ako papunta sa bahay nila. unfortunately, mali ung binabaan kong kanto so nagkandaligaw-ligaw na ko sa Pasay. pero sa huli nakarating pa rin ako sa bahay nila. buti na lang tumawag saken si Romiena at sinabi kong naliligaw na ako.

papunta sa Eastwood, nakakaantok... sobra. medyo malayo din siya (kasi nga sa QUEZON eh) kaya nakakapagod at masakit sa pwet. :)) pero nawala din yun nung andun na kami. syempre, first stop ay dun sa office ng dad niya. ang ganda sobra, as in! call center yun kaya ung mga tao dun ay nag-iingles. onti nga rin pala ung mga tao dun kasi maaga pa. ung mga agents na andoon eh ung mga nag-night shift.

so, tinour muna kami dun sa building. buti na lang at Facilities manager (uhmmm. i'm not sure kung yan talaga ung position ng dad niya. basta mataas un) ung dad niya at may access siya sa lahat ng lugar sa building. astig nga eh. meron pang parang ID scanner sa bawat pinto at ung mga authorized lang ang pwedeng maka-pasok. pero hindi lahat ng workers/agents dun merong ganun. (okay... tama na.) basta! tinour niya kami at pinakilala sa bawat tao doon. tapos, gala na kami.

pumunta muna kami sa... nakalimutan ko na ung pangalan nung mall eh. basta, medyo maliit lang siya at onti lang ang tao. nag-ikot ikot lang kami dun tas palipat lipat din ng mall. tas kumain kami at nanood ng sine (four christmases). nagbilliards nga rin pala kami. super saya talaga. kaya lang kinailangan ko nang umuwi dahil late na rin kaya hinatid na kami sa bahay.

Sunday, December 21, 2008

so, i changed my layout to suit this season. well, Christmas is just days from today and we better get ready! haha. :))

Thursday, December 18, 2008

letters.

wala lang. gumawa lang ako ng mga letters para sa mga bibigyan ko ng mga matitinong regalo. nilagay ko lang dito kasi baka ireformat ung pc.
leona,

merry christmas! bago mo nga pala buksan, bibigyan na kaagad kita ng clue kung ano ba talaga ang laman ng nasa loob. nakita mo na ito sa Lianas eh. paborito ito ng mga batang babae - mahirap man o mayaman. maaari mong suklayin ang buhok nito, hubaran kahit saan, kausapin kung wala kang makausap, lagyan ng make-up, pasayawin, pagtripan, pugutan ng ulo kapag galit ka, at marami pang iba. nahulaan mo na ba?


---o sige, maaari mo nang buksan.---


siguro akala mo CUTIE doll no? haha. :)) baliw! kung hindi mo pa rin mahulaan kung ano ung isa dito, bibigyan uli kita ng clue. paborito mo. mabalahibo, may beak, mahilig tumuka, ipinanganak ka sa year na ito, paborito rin ng minamahal mo (at may minamahal na rin. awww), lumilipad (sabi mo), mas paborito mo ito kapag ito'y tinurbo, paborito ng lahat ng bata (lalo na ng mga batang mahilig mag-Jollibee), matatagpuan sa tapat ng bahay ninyo, maingay, gumigising sa iyo araw-araw, nanghahabol (lalo na ung lalaki), at minention na sa Noli Me Tangere. o ano, nahulaan mo na ba? edi MANOK. buti na lang at iyan ang nabili ng aking butihing ina. tamang-tama. :))

yung isa naman, siguro alam mo na rin. akala ko nga mga 40 lang yan eh. nadaya ako. hindi pala. pero ayus lang. ayoko kasi na damit naman ang iregalo ko sa inyo. ano yun, puro damit na tayong lahat. edi parang bumili na rin ako ng 3 damit. diba? at saka, sabi mo dati gusto mo ng necktie kaya ayun. clover nga rin pala siya dahil alam kong iyan ang pinaka-mababa sa larangan ng pagbabaraha. diba lagi ka namang talo? haha. :)) loser!

o sige, sayang ang ink. dapat nga eh ilalagay ko pa ung muka mo dito. kaso, mauubusan na kami ng ink. haha. merry christmas!
dale,

merry christmas! bago mo nga pala buksan, bibigyan na kaagad kita ng clue kung ano ba talaga ang laman ng nasa loob. nakita mo na ito sa Lianas eh. paborito ito ng mga batang babae - mahirap man o mayaman. maaari mong suklayin ang buhok nito, hubaran kahit saan, kausapin kung wala kang makausap, lagyan ng make-up, pasayawin, pagtripan, pugutan ng ulo kapag galit ka, at marami pang iba. nahulaan mo na ba?


---ayyy. alam na niya ang laman. buksan mo na nga!.---



siguro akala mo CUTIE doll no? haha. :)) baliw! wala na akong dapat sasabihin dahil alam mo rin naman ung laman nito (except nga naman dun sa isa). so, bubuyog. bat nga ba? malamang yellow. diba peyborit mo yun? halata din naman sigurong yellow yun. so, hindi ko rin alam kung ano talaga ung purpose nian. paglaruan mo na lang o kaya idisplay mo na lang kung saan-saan. wag na wag mo talaga iyan itatapon, sayang naman kasi ung effort at ung PERANG nagastos diyan. haha. :))

ung utang ko nga pala sayo, pwedeng wag ko na lang bayaran? wala na kasi akong pera. hindi pa ako pinayagan sa star city ngayon. tapos, baka hindi na rin ako makasama sa gig sa sabado. MAAWA ka na. shit. hindi talaga ako pinayagan sa star city. badtrip nga eh. hindi ko nga kinakausap ung mga parents ko eh. barbero kasi sila.

o sige. MERRY CHRISTMAS nga pala!


o sige, sayang ang ink. dapat nga eh ilalagay ko pa ung muka mo dito. kaso, mauubusan na kami ng ink. haha. merry christmas!
Jasmine,

merry christmas! bago mo nga pala buksan, bibigyan na kaagad kita ng clue kung ano ba talaga ang laman ng nasa loob. nakita mo na ito sa Lianas eh. paborito ito ng mga batang babae - mahirap man o mayaman. maaari mong suklayin ang buhok nito, hubaran kahit saan, kausapin kung wala kang makausap, lagyan ng make-up, pasayawin, pagtripan, pugutan ng ulo kapag galit ka, at marami pang iba. nahulaan mo na ba?


---o sige, pwede mo nang buksan.---



siguro akala mo CUTIE doll no? haha. :)) baliw! alam mo bang saktong-sakto ang nabili ng aking butihing ina sapagkat sa tuwing makikita ko ito, naaalala kita? haha. :)) hindi ko nga rin alam kung anong use nitong baboy na to, pero idisplay mo na lang siya. paglaruan mo na lang din kung wala kang magawa.

tapos ung isa, necktie. ayoko ng damit kasi lahat na tayo damit ang ireregalo sa isa't isa. kaya, para maiba, ito na lang. akala ko nga mura lang, tapos... dapat pala damit na lang ung binili ko. haha. :)) saglit, hindi ko pa nga rin pala nakakalimutan ung UTANG mo sa akin. ung 13 pesos. bayaran mo na ako! haha. :)) bat nga pala eto ung napili ko para sa iyo? wala lang. wala na kasing iba eh. puro parehas na ung iba, tas ung isa pangit pa. eto na lang ung natitirang matino.

o sige, sayang ang ink. dapat nga eh ilalagay ko pa ung muka mo dito. kaso, mauubusan na kami ng ink. haha. merry christmas!
Paula,

Happy Birthday! ayun. hindi ko nga alam kung ano tong regalo ko eh. basta, weird kasi eh. tas emo ka. haha. :)) para siyang pang-girl. pero hayaan mo na. basta, may pipindutin ka nga pala sa ilalim para may mangyari dun sa giraffe. basta, try mo. natutuwa nga ako dun eh. kaso baka di ka matuwa. hayaan mo na nga. haha. :))

17 ka na daw, sobrang tanda mo na! grabe, eh ako 15 pa lang. haha. :)) nakooo. sabi ko na nga ba eh, napaka-walang kwenta nitong sulat ko. Merry Christmas nga rin pala. muntik ko nang makalimutan.

sige, baka maubos ung ink. sabi ko na nga ba eh dapat sinulat ko na lang, para masaya. kaya nga lang wala kong bolpen. pulubi no? barbero talaga. :)) ingatan mo nga pala ang iyong pinakamamahal. sasabihin mo na ba sa kanya? oo, dapat. diba? sige na nga. kanina pa ako nagsasabing tama na kasi nga aksaya sa ink. hindi naman kasi kami tulad niyong AKSAYADO sa ink.

ay, nakalimutan ko. sorry nga pala kung hindi ako nakapunta sa bahay niyo kahapon. pumunta pa kasi ako sa SM para bumili ng regalo kay JEAN. sorry talaga. belated happy birthday na lang! sige. merry christmas na rin!
Jean,

Merry Christmas! sorry nga pala kung hindi Eclipse ung niregalo ko ha. sold out na kasi siya eh. as in nagtanung-tanung na talaga ako sa lahat ng Bookstores at wala na daw. sayang talaga. hihiramin ko pa naman siya sana. haha. joke. :)) ayun. hindi ka na tuloy makakabili ng Breaking Dawn (na hihiramin ko rin sana). eto. Heartstrings na bag na lang ung binili ko. sana magustuhan mo. sana din gamitin mo.

nahulaan mo nga pala na ako ung nakabunot sa iyo pero syempre TODO deny naman ako. AKO PA! haha. :)) akala din ni elgelyn na siya ung nabunot ko.

salamat nga rin pala sa lahat. sa lahat-lahat - sa pagpapakopya, sa pagkain tuwing math time, sa pagiging kausap ko pag wala na akong makausap, at sa pagiging isang mabuting kaibigan.

so, hanggang dito na lang. mauubusan na rin kasi ako ng ink kaya maikli na lang ung letter ko. sige. Merry Christmas ulit!

Wednesday, December 10, 2008

new moon.

whoa. parang sobrang tagal ko nang hindi nag-oonline. nakakatamad kasi eh. saglit. english na lang kaya para masaya. haha. :))


so, i've just finished reading New Moon! it's actually my first time reading such book in a short period of time. i only read it for THREE DAYS. haha. should i be proud of myself? well, no. i'll just look stupid and imbecile. it's not a big deal for others. but for me it is. so, am i telling myself to be proud? hmmmm. BOBS! :))

so, back to the topic. i've finished reading it and i'm not that satisfied. well, it's actually boring in the middle (for Edward was gone and Jacob's always there). and also, there's no real villain (i thought it's victoria at first). i mean, no action scenes like what was in twilight, with James and Victoria as the criminals. well, i haven't read twilight, though we've already watched it. they say that the movie sucks, that it doesn't really followed the book. does it really have to be the same as what is in the book? considering its very detailed actions, a certain book can't be as perfect as what can really be on screens (except for Jonathan Livingston Seagull, maybe. what the hell! who's gonna watch that if it really will exist? haha). it just isn't fair.

well, enough for the argument. and i think my talking should end now.

Tuesday, December 2, 2008

yes.

super. later.