24-25
sinundo namin ung tita ko at ung trabahador nilang tinreat nila papunta dito sa pinas. pero sobrang nakakagulat talaga dahil hindi naming inakalang dadating din ung mga pinsan ko. grabe. so, gulat na gulat naman ung tito ko dahil hindi niya alam iyon at nasurprise daw talaga siya. so aun, pinroblema lang naman namin kung paano sila kakasya sa nissan urvan.
badtrip nga eh dahil gustong gusto ko na talagang umuwi pero ayaw nila mamaya pa daw. tas nakauwi kami ng mga 2 ng umaga. ang inaalala ko lang naman eh ung ginawa kong ref cake dahil gusto ko na siyang tikman. tas ung mga regalo din, gusto ko nang buksan dahil meron dung hindi ko pa alam ang laman.
pagdating sa bahay, bukasan kaagad ng mga gifts. may natanggap akong singsing na relo (haha. oo), lalagyanan ng mga ganun, wallet, damit, chocolate, paper clip, pencil case, tsinelas, lotion, keychain, lapis, letter, at pera. haha. dinekwat ko nga rin pala ung damit na niregalo sa nanay ko kasi maliit iyon sa nanay ko at kasya iyon sa akin. :))
tapos natulog lang kami for 3 hours dahil may pupuntahan daw kami. may gift giving/christmas party kaming aatendan. so, gumising kami ng super aga, naligo, hindi na kami nagbreakfast at umalis na rin. sinundo namin si Auntie Puring (naging piano teacher ko siya nung summer dati) tas pumunta na sa Taguig para sunduin naman sila tapos pumunta na ng Novaliches. super traffic doon kasi madaming nagsimba. tapos nakarating din naman kami sa church nila (christians sila. catholic kami ni inay).
masaya kasi kantahan at sayawan (parang ung BELIEVE) tas may games at pa-raffle. syempre, courtesy of ALC (Abundant Life Church) Guam and cavan family. haha. :)) tapos umalis kami at pumunta sa SM North Edsa (pinaka-malaking mall na daw sa pinas.). tapos pumunta sa Taguig at umuwi na rin. sobrang nakakapagod.
pagdating sa bahay, kinain ko uli ung ref cake na gawa ko. feeling ko nga ako lang ung kumakain nun eh. masarap naman siya eh. bat ayaw nila? haha.
No comments:
Post a Comment