so kanina lang gumawa ako ng REF CAKE. ang pinaka-unang ref cake ko. :)) tapos tinulungan ko din ung mom ko sa pagluto. wala kaming masyadong handa ngayon dahil hindi kami magcchristmas dito sa bahay. ewan ko ba ang gulo kasi. mamaya daw kasi aalis kami. susunduin namin ung tita ko.
excited na nga ako dahil magbubukasan na ng mga gifts mamaya. actually alam ko na ung mga regalo saken kahit nakabalot pa sila. pano ba naman, binuksan ko na siya nung isang araw. medyo na-excite lang kasi talaga ako. haha. baliw.
may christmas party nga pala ung subdivision namin ngayon. ayoko ngang pumunta. puro mga bata lang naman ung andon at ung mga matatandang parang nakainom ng ecstasy dahil sobrang gustong-gusto nilang maglaro ng mga parlor games. yung tipong parang ngayon lang nakalaro. haha. pero pinipilit kasi ako ng kapitbahay namin. so, pupunta ako pero magpapakita lang ako, ibibigay ung regalo ng kapatid ko, at aalis din kaagad. hindi na ako kakain dahil may pagkain naman sa bahay. DUH! may pagkain kaya dito. :))
sige na nga. magbibihis na ako dahil malapit na magstart ung party.
merry christmas nga pala!
No comments:
Post a Comment