Wednesday, December 24, 2008

EASTWOOD

so, aun. pumunta kami sa Eastwood kanina para icelebrate ung birthday ni bespren. pero, pumunta muna kami sa bahay nila. dun kasi kami magkikita-kita eh. so nagpahatid na rin ako papunta sa bahay nila. unfortunately, mali ung binabaan kong kanto so nagkandaligaw-ligaw na ko sa Pasay. pero sa huli nakarating pa rin ako sa bahay nila. buti na lang tumawag saken si Romiena at sinabi kong naliligaw na ako.

papunta sa Eastwood, nakakaantok... sobra. medyo malayo din siya (kasi nga sa QUEZON eh) kaya nakakapagod at masakit sa pwet. :)) pero nawala din yun nung andun na kami. syempre, first stop ay dun sa office ng dad niya. ang ganda sobra, as in! call center yun kaya ung mga tao dun ay nag-iingles. onti nga rin pala ung mga tao dun kasi maaga pa. ung mga agents na andoon eh ung mga nag-night shift.

so, tinour muna kami dun sa building. buti na lang at Facilities manager (uhmmm. i'm not sure kung yan talaga ung position ng dad niya. basta mataas un) ung dad niya at may access siya sa lahat ng lugar sa building. astig nga eh. meron pang parang ID scanner sa bawat pinto at ung mga authorized lang ang pwedeng maka-pasok. pero hindi lahat ng workers/agents dun merong ganun. (okay... tama na.) basta! tinour niya kami at pinakilala sa bawat tao doon. tapos, gala na kami.

pumunta muna kami sa... nakalimutan ko na ung pangalan nung mall eh. basta, medyo maliit lang siya at onti lang ang tao. nag-ikot ikot lang kami dun tas palipat lipat din ng mall. tas kumain kami at nanood ng sine (four christmases). nagbilliards nga rin pala kami. super saya talaga. kaya lang kinailangan ko nang umuwi dahil late na rin kaya hinatid na kami sa bahay.

No comments: