merry christmas! bago mo nga pala buksan, bibigyan na kaagad kita ng clue kung ano ba talaga ang laman ng nasa loob. nakita mo na ito sa Lianas eh. paborito ito ng mga batang babae - mahirap man o mayaman. maaari mong suklayin ang buhok nito, hubaran kahit saan, kausapin kung wala kang makausap, lagyan ng make-up, pasayawin, pagtripan, pugutan ng ulo kapag galit ka, at marami pang iba. nahulaan mo na ba?
---o sige, pwede mo nang buksan.---
siguro akala mo CUTIE doll no? haha. :)) baliw! alam mo bang saktong-sakto ang nabili ng aking butihing ina sapagkat sa tuwing makikita ko ito, naaalala kita? haha. :)) hindi ko nga rin alam kung anong use nitong baboy na to, pero idisplay mo na lang siya. paglaruan mo na lang din kung wala kang magawa.
tapos ung isa, necktie. ayoko ng damit kasi lahat na tayo damit ang ireregalo sa isa't isa. kaya, para maiba, ito na lang. akala ko nga mura lang, tapos... dapat pala damit na lang ung binili ko. haha. :)) saglit, hindi ko pa nga rin pala nakakalimutan ung UTANG mo sa akin. ung 13 pesos. bayaran mo na ako! haha. :)) bat nga pala eto ung napili ko para sa iyo? wala lang. wala na kasing iba eh. puro parehas na ung iba, tas ung isa pangit pa. eto na lang ung natitirang matino.
o sige, sayang ang ink. dapat nga eh ilalagay ko pa ung muka mo dito. kaso, mauubusan na kami ng ink. haha. merry christmas!
No comments:
Post a Comment