Thursday, December 18, 2008

leona,

merry christmas! bago mo nga pala buksan, bibigyan na kaagad kita ng clue kung ano ba talaga ang laman ng nasa loob. nakita mo na ito sa Lianas eh. paborito ito ng mga batang babae - mahirap man o mayaman. maaari mong suklayin ang buhok nito, hubaran kahit saan, kausapin kung wala kang makausap, lagyan ng make-up, pasayawin, pagtripan, pugutan ng ulo kapag galit ka, at marami pang iba. nahulaan mo na ba?


---o sige, maaari mo nang buksan.---


siguro akala mo CUTIE doll no? haha. :)) baliw! kung hindi mo pa rin mahulaan kung ano ung isa dito, bibigyan uli kita ng clue. paborito mo. mabalahibo, may beak, mahilig tumuka, ipinanganak ka sa year na ito, paborito rin ng minamahal mo (at may minamahal na rin. awww), lumilipad (sabi mo), mas paborito mo ito kapag ito'y tinurbo, paborito ng lahat ng bata (lalo na ng mga batang mahilig mag-Jollibee), matatagpuan sa tapat ng bahay ninyo, maingay, gumigising sa iyo araw-araw, nanghahabol (lalo na ung lalaki), at minention na sa Noli Me Tangere. o ano, nahulaan mo na ba? edi MANOK. buti na lang at iyan ang nabili ng aking butihing ina. tamang-tama. :))

yung isa naman, siguro alam mo na rin. akala ko nga mga 40 lang yan eh. nadaya ako. hindi pala. pero ayus lang. ayoko kasi na damit naman ang iregalo ko sa inyo. ano yun, puro damit na tayong lahat. edi parang bumili na rin ako ng 3 damit. diba? at saka, sabi mo dati gusto mo ng necktie kaya ayun. clover nga rin pala siya dahil alam kong iyan ang pinaka-mababa sa larangan ng pagbabaraha. diba lagi ka namang talo? haha. :)) loser!

o sige, sayang ang ink. dapat nga eh ilalagay ko pa ung muka mo dito. kaso, mauubusan na kami ng ink. haha. merry christmas!

No comments: