Jean,
Merry Christmas! sorry nga pala kung hindi Eclipse ung niregalo ko ha. sold out na kasi siya eh. as in nagtanung-tanung na talaga ako sa lahat ng Bookstores at wala na daw. sayang talaga. hihiramin ko pa naman siya sana. haha. joke. :)) ayun. hindi ka na tuloy makakabili ng Breaking Dawn (na hihiramin ko rin sana). eto. Heartstrings na bag na lang ung binili ko. sana magustuhan mo. sana din gamitin mo.
nahulaan mo nga pala na ako ung nakabunot sa iyo pero syempre TODO deny naman ako. AKO PA! haha. :)) akala din ni elgelyn na siya ung nabunot ko.
salamat nga rin pala sa lahat. sa lahat-lahat - sa pagpapakopya, sa pagkain tuwing math time, sa pagiging kausap ko pag wala na akong makausap, at sa pagiging isang mabuting kaibigan.
so, hanggang dito na lang. mauubusan na rin kasi ako ng ink kaya maikli na lang ung letter ko. sige. Merry Christmas ulit!
No comments:
Post a Comment