pinagalitan ako ng aking ina ngayon. sobrang galit na galit na naiiyak na siya. ang sama ko talaga. dapat talaga bumaba na ako at pinuntahan ko na kaagad siya. grabe. hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa akin, ni hindi ako umiyak. siguro naging matigas na ako. naging bato na ako sa kaka-sermon at pagalit sa'ken. para ngang wala akong kwenta, na pabigat lang ako sa kanila at dagdag lang ako sa mga problema nila. pero ngayon naiiyak na ako, ngayong naffeel ko na napaka-gago kong tao. wala talaga akong kwenta.
ilang beses na kaya ako napagalitan ngayong buwan na to? 3 beses na. ganito din yung nangyari. sabi nga ng nanay ko gusto na daw niya akong sampalin buti na lang at nakatimpi pa siya. sa tatlong beses na nangyari, laging hinahayblad si mama. nakakatanggap ako ng mga masasakit na mura at salita, na para bang nagsasabi sa'kin na napakawalang kwenta kong tao. BOBO ako. BOBO daw ako. napaka-BOBO ko.
hindi ko man lamang masabing "sorry". ewan ko, nahihiya kasi ako. hindi naman sa napakataas ng pride ko, dahil lang naman kasi iyon sa wala akong lakas ng loob upang masabi ang mga salitang tulad non. actions speak louder than words naman diba? ewan ko. bahala na. hindi naman kasi ako mabait na tao. hindi din ako ung tipong magsasabi ng sorry or i love you sa mga parents ng ganon kadali lang. hayyyy. napaka-laki ng problema ko. hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
siguro bukas grounded ako. hindi na muna ako gagala, magpapakabait na ako. siguro hindi din ako bibigyan ng allowance bukas o kaya hanggang next week.
hanggang ngayon tahimik pa rin dito sa bahay. yung tv nga lang yung maingay at hindi sila nanonood di tulad ng dati. hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. galit na galit siya sa'ken. siguro tama nga lang na hindi na ako tumawa. lagi naman kasing kalungkutan ang kasunod nun.
0 comments:
Post a Comment