tagalog.
april fool's day.
may pasok. akala ko nga seniors lang pero buong school pala. wala lang, naglinis lang ng classroom, sila. late kasi kami ni dale. sinamahan niya kasi akong magpaprint ng research namin. takte, ako na lang lagi yung nag-aasikaso dun. pero ayos lang, ako na yung bahal sa printing, sila naman ung bahala sa binding. haha. :)) mahal kaya yung nagastos ko, i mean ng parents ko.
nakuha ko na rin pala ung good moral. bukas kasi icoconfirm ko na ung slot ko sa UST. kahit ayaw ko naman talaga sa UST. no choice eh. saan nga ba ako mag-aaral kung hini na doon? sa la salle? yakk. masyadong mahal doon. and the students are so konyo. :))
bumili din ako ng DVD ng special a. nainggit ako kina khrizia kaya bumili na rin ako (kahit natapos ko na siyang panoorin sa youtube). ang sarap din kasing ulitin yun. so, magmamarathon na naman ako mamaya. hayyy. ang boring naman. wala na kasing ibang magawa e. alangan naman magswimming ako. e, andumi na kaya ng pool. tas ang daming naliligo. namiss ko tuloy yung onti pa lang yung nakatira dito. namiss ko rin yung birthday ko. (FYI: nasa taguig pala ako ngayon)
namimiss ko na rin si mumot, yung cute na stuffed toy na kumakausap sakin :))
hay. tinatamad na tuloy akong pumunta sa UST bukas. badtrip naman, kailangan ko bang sumama?
No comments:
Post a Comment