History repeats itself.
Pansin ko lang, yung summer ko last year, halos ganun na ganun din: home alone, chores, boredom, uncles and titas, etc. Onti lang yung nabago: Kasama ko na si justin, kaya extra chore yun; Hindi pumunta yung mga pinsan ko dito sa pinas; Hindi na ako madalas naglilinis, nakakatamad na eh.
Tapos, hindi na rin kami nagpupunta sa beach or magswimming man lang ng sabay-sabay. Last outing nga namin nung 2nd year HS ako. Company outing pa yun ha. Wala ng sumunod after nun. Siguro pag birthday ko na lang, pero hindi naman sila nagsswimming. Kailangan kasi mag swimsuit e. Hahaha.
Malapit na nga magpasukan (at hindi pa ako nag-eenroll) pero hindi ko pa rin feel ang summer (medyo umuulan din kasi). AND I'M REALLY REALLY BOREDDDDD.
Gusto ko lang namang pumunta sa ibang lugar, o gumala, o magbeach, o mag-overnight. TSK.
No comments:
Post a Comment